Thursday, August 19, 2010

Bakit isinusulong na ito ay magampanan!

 

"Save Our Nature Philippines Movement" is the English words of "Pagkilos para Sagipin ang Kalikasan sa Pilipinas", this is the group of groups who want's to save our nature in the Philippines and in the World!

Bakit isinusulong na ito ay magampanan! 

Ang adhikain ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay mapagkaisa ang lahat ng "Pilipino" para sa ating naghihingalong kalikasan at gamitin ang mga teknolohiyang pinag-aralan ng mga Direktor ng grupong ito, na nagsi-sikap na ang mga paraan sa pagbuhay muli ng ating kalikasan ay kailangang nang magawa o magampanan sa lalong madaling panahon! 

Subali't napakaraming bagay ang humahadlang kung bakit ito hindi maisakatuparan at magampanan!

Sa pagdami ng mga makakalikasang grupo simula ng magdanas tayo ng lupit ni Ondoy at Pepeng ay mas lalo kaming nahirapan na ito'y isulong, at ito ay ang pagkakaisa ng mga "Pilipino" para sa ating namamatay na kalikasan ay mas lalong hindi mabigyan ng tamang kalutasan dahil sa pagmamagaling ng mga sinasabing "Makakalikasang Grupo" na nairehistro subalit wala namang pinanghahawakang katibayan na sila ang talagang nakalaan para sa ating kalikasan na ito ay pangalagaan.


Sa pagbuo ng "Save Our Nature Philippines Movement" na sa kasalukuyan ay mayroon pa lamang tatlong organisasyon ang kasapi ay inihahayag naming kami ay humihingi ng tulong (Hindi pera) sa mga bagong sibol na organisasyon na nagsasabing sila ay makakalikasan upang tayong mga Pilipino ay magkatulong-tulong na para sa kalutasan ng mga problema sa ating kalikasan!


Paano ho ba tayo magkakatulong-tulong? Kung kayo po ay mayroong club, assosasyon, organisasyon, foundation, at kahit na kumpanya na willing namang tumulong sa ating kalikasan ay sumapi po sana sa "Save Our Nature Philippines Movement" at pagtulong-tulungan nating maere-solba ang mga problema ninyo sa ating kalikasan. Sa lahat ng dako ng Pilipinas at maging sa ibayong dagat ay tiyak na kayo o tayo ay may problema kung kalikasan ang ating pag-uusapan, at pag sinabi ninyong namamali kami ay huwag na nating pag-usapan ang mga paraan para magampanan ang tunay na pagtulong sa ating kalikasan!


Sa pagtatayo ng "Save Our Nature Philippines Movement" na pinanga-ngasiwaan ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ay may mga posibilidad na ang lahat ng "Pilipino" ay magkaroon ng malasakit na magbigay ng kanilang partisipasyon dahil nababanggit ang ating bansa at  isinasalba nito ang ating naghihingalong kalikasan!


Ang amin lang pong ipinakikiusap sa lahat ng "Pilipino", lalo na yung may mga grupong inihahayag na sila ay tumutulong sa kalikasan ay hayaan ninyo kaming turuan kayo ng tamang pangangalaga ng ating kalikasan, lalo na kung ang grupo ninyo ay lagi ng sa pagbobolontaryo ang mga ginagawa sa pangangalaga ng ating kalikasan.


At alam namin na hindi ninyo iyon lubos na magagampaman, ito ay ang tamang pangangalaga ng ating kalikasan, at kung sasabihin ninyo na tama ang inyong ginagagawa ay sasabihin pa din namin na ito ay kulang. Ang reforestation o pagtatanim ng mga punong kahoy sa kagubatan ay hindi makukuha ng isang araw lamang, ang pagsasaayos ng mga basura, ang pagtatayo ng mga "Materials Recovery Facilities"sa mga siyudad at maging sa tabi ng landfill o dump sites , ang pag-iipon ng mga kanin baboy para huwag ng sumama sa mga basura at magawang pataba ng halaman o pagkain ng hayup, pag-aalaga ng mga organikong hayup, ang pagtatanim ng mga organikong panamim, ang paglilinis ng mga kailogan, ng ating dagat, na mayroon kaming mga paraan na alam namin hindi ninyo lubos na maiintindihan at magagampanan, ang pagtatayo ng mga bahay para sa mahihirap nating kababayan na ang materyales ay galing sa basura. Ipaubaya na lang natin ito sa mga kababayan nating walang trabaho na amin ding gagawing miyembro at tuturuan, maari ding ang mga proyektong pangkalikasan ay sa inyong mga lugar natin ito gagawin, at maari din na mga miyembro ninyong walang trabaho, huwag nating sabihin na ang lahat ng inyong miyembro ay puro may trabaho? At kung kayo ay may pondo para dito ay hayaan ninyo na lang kaming magtrabaho at kung wala naman ay pagtulungan nating ihanap ng pondo, gagamitin natin ang mga batas na ginawa para sa ating kalikasan para tayo ay tulungan ng mga kinauukulan.

Ang amin namang inio-offer o imunu-mungkahi ay gamitin ang aming teknolohiya at ang aming mga mangagawa para ito magampanan ng lubos, at kung nagagagawa ninyo ang pagbubulontaryo ay aming iminumungkahi din ang pagtingin paminsan-minsan ng aming mga ginagawa, hindi na ninyo kailangan magtrabaho dahil kailangan din kayo ng inyong pamilya. Ang mga dapat na lang ninyong gawin ay mag-obserba, tumulong kung may oras, at magbigay na lang ng pondo para sa proyektong inyong nais sa inyong lugar na maibabawas naman sa inyong pagbabayad ng buwis, at alam din namin na hindi ninyo ito makakayang gawin dahil marumi ang mga bagay na dapat nating alisin sa ating kapaligiran kung talagang nais nating makatulong sa ating kalikasan, at tandaan na ito ay sa inyong mga lugar gagawin para tayo makapagbigay ng mga pagkakakitaan sa mga kababaryo nating walang pinagkakakitaan!

Hahawak ba kayo ng dumi ng tao, ng mga basura, at lulusong ba kayo sa maduming kailogan at mga imburnal, kaya ba ninyong mag-alaga ng mga baboy sa loob ng inyong pamamahay, kaya ba ninyong manguha ng water lily sa maduduming estero para magamit na pataba at pagkain ng mga hayop, kaya ninyo bang mamili ng mga bagay sa mga dump site na puwedeng gawin bahay ng mahihirap nating kababayan, hahawak ba kayo ng mga bulati na siyang napaka-epektibong bagay para tayo makapagtanim ng mga organikong panamim, kaya ninyo bang matulog sa gubat ng ilang araw bago iwanan ang mga punong-kahoy na itinanim para malaman kung ito ay mabubuhay, kaya ninyo bang magpatakbo ng mga makina na gagawa ng organikong pataba, kaya ninyo ba na sumisid sa patay at mabahong ilog na siyang kailangan para natin ito lubusang mabuhay, kaya ba ninyong ipunin ang mga sanitary napkin at pampers na siyang numero unong sumisira ng ating kalikasan kung ito ay isinasama sa basura? Kung tunay kang makakalikasan lahat iyan ay kaya mong gawin, pero bagong sibol lang kayo na hindi katulad namin na sampung taon ng pinag-aaralan ang mga bagay na katulad nito upang hindi naman maka-apekto sa ating kalusugan kung sakali na ang lahat ng mga ito ay ating gagawin!


Sa darating na Setyembre hangang Nobyembre 2010 ay magpapakalat kami ng isang aplikasyon para sa dalawang magkaibang grupo na nakatali sa isat-isa. Ikakalat namin ito sa facebook.com, sa mga network na kakabit sa aming link,  sa aming mga contact list, sa mga Barangay, at sa mga homeowners association, ng imbitasyon ng pagmimiyembro sa "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.", ito ay kung tunay kang makakalikasan o isang "Lingkod Bayan", at lalo kung gusto mong magkatrabaho dito ka magmiyembro, at gayundin sa "Save Our Nature Philippines Movement" na tanging ang mga Direktor, Presidente, o Chairman ng isang samahan o kumpanya ang kailangan lang na maging miyembro, at automatikong kasali ang lahat ng kanyang miyembro o nasasakupan, dahil ito ay isang "Pagkilos para Sagipin ang Kalikasan sa Pilipinas" na siya nating dapat gawin para sa ating bansa, sa ating kalikasan, at para sa susunod na henerasyon ng ating lahi!

Mangyari lang pong i-klik ang link sa ibaba ng logo ng "Save Our Nature Philippines Movement" para makita ang mga halinbawa ng aming mga isinusulong!


Huwag na munang magkomento at hintayin ang aming ikakalat na aplikasyon na mayroon ding FAQ, at dito din sa aming mga blog na ito mangagaling, salamat po sa lahat ng nagbasa at patnubayan nawa tayo ng ating "Panginoong Diyos"!


Save Our Nature Philippines Movement